--Ads--
Nanawagan ang LPGMA partylist sa mga konsumer na hanggat maaari ay isurrender na ang mga lumang basyo o generic cylinder ng LPG at papalitan ng bago.
Inihayag ni LPGMA President Arnel Ty na batay sa New LPG law walang bayad ang pagpapapalit ng lumang LPG cylinder.
Maliban sa mga consumer ay kakausapin din nila ang mga brand owners na tanggapin at palitan ng bago ang mga isusurrender na LPG cylinder ng libre.
Alinsunod sa batas, ang mga LPG cylinder ay may embossed o name plate at ito ang magiging batayan ng mga sellers kung anong brand ang ipapalit sa mga ito.
--Ads--
Ang palugit ng LPGMA sa mga consumer sa pagpapapalit ng generic cylinder ay sa December at kung lumagpas sa palugit ay maaaring kumpiskahin na ng LGU at ma-impound.











