
CAUAYAN CITY – Umabot na sa apatnapu’t limang lunsod sa Mainland China ang isinailalim sa Lock Down dahil sa mabilis na paglaganap ng stealt Omicron.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro mula China sinabi niya na Kabilang ang Wuhan at Guangzhou sa 45 cities na kasalukuyang nakalockdown.
Sa katunayan aniya ay nagsasagawa na ng mass testing ang pamahalaan ng Wuhan at Guangzhou dahil sa mataas na kaso ng COVId 19 dulot ng stealth Omicron kasabila ng 90% vaccination rate at 20% rito ang may booster dose na.
Aniya mabilis kumalat ang stelth omicron dahil walang sintomas na ipinapakita ang carrier nito maliban pa sa pagiging kampante ng karamihan.
Sa ngayon ay wala paring naitatalnag covid 19 related death dahil karamihan ng mga naitatalang namamatay ay dahil sa ibang sakit o karamdaman.










