--Ads--

Nag-rereklamo ang ilang mga magsasaka sa Calaccab, Angadanan, Isabela matapos madamay o ma-occupy ng ginawang flood control project ang bahagi ng lupa na kanilang tinatamnan.

Ang flood control project ay isinagawa ng Infinitum 888 Construction and Development Corporation/Algo Construction and Power Development, Inc. na may pondong mahigit P77 milyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Marilyn Daracan, ng Calaccab Angadanan, Isabela, sinabi niya na sa 300 metrong haba ng flood control ay nadamay ang lupang sinasaka ng 4 na magsasaka sa Purok 7.

Aniya, hindi tinawag ang mga opisyal ng barangay upang bantayan ang flood control na ginawa sa lugar at basta nalang umalis ang mga construction workers.

--Ads--

Tinatayang tig 2 meters ang lapad at 15 meters ang haba ng lupa na nasakop ng flood control project sa lugar na binayaran lamang ng tig P10,000 sa apat na magsasaka.

Ayon pa kay kagawad, hindi na rin gaanong nakakatulog ang mga magsasaka na malapit sa flood control lalo na at iniisip nila na gumuguho na  ang kanilang tinataniman ng mais dahil sa hindi maayos na pagkakagawa ng dike.

Hinihiling din aniya ng mga magsasaka na sana ay ma secure din ng mga gumawa ng flood control ang lupain ng mga magsasaka at hindi lamang basta gagawa ng proyekto.