--Ads--

CAUAYAN CITY – Ang mga nahuling nag-ani ng mga pananim na palay ang naapektuhan ng Bagyong Maring sa coastal town ng Calayan

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joseph Llopis ng  Calayan, Cagayan na bagamat naging Sentro sila ng bagyo ay hindi gaanong naramdaman ang malakas na hangin at ulan.

Inaasahan anyang naapektuhan ang mga hindi pa nakapag-ani ng kanilang mga pananim na palay at umaasa silang makakarecover din ang kanilang mga pananim.

Wala naman anyang nasirang imprastraktura dulot ng Bagyong Maring kundi mga pananim na palay, mais at gulay ng mga magsasaka ang naapketuhan.

--Ads--

Sa ngayon ay aalamin pa ang halaga ng mga nasirang pananim.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joseph Llopis.