--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis na nanlulumo ang mga magsasaka sa bayan ng Echague, Isabela dahil sa labis na napinsala ang kanilang sakahan dulot ng pag-ulang dala ng Bagyong Enteng.

Sa nakuhang impormasyong ng Bombo Radyo Cauayan marami sa mga magsasaka ang pilit na isinasalba ang mga dumapang palay.

Para hindi malugi, tinatalian na ng mga magsasaka ang ilan sa mga maaari pang pakinabangan haggang sa anihin ito sa unang linggo ng Oktubre.

Ayon sa mga magsasaka bagamat insured naman sa PCIC ang mga sakahan ay hindi naman umano ganoon kalaki ang kanilang makukuha sa insurance kaya pilit nilang isinasalba ang kanilang palayan.

--Ads--

Dugo at pawis ang puhunan nila sa pagtatanim subalit dahil sa pag-ulan ay halos nabulok na ang karamihan sanhi ng matagal na pagkababad sa tubig lalo na ang mga palay ay nasa reproductive stage na habang may ilang naghihintay na lamang sana na maani.

Dahil sa epekto ng bagyong Enteng ay inaasahang mas bababa pa ngayon ang presyo ng palay.