--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na nakatanggap ng fertilizer voucher ang mga magsasaka na nahuling nagbenta ng ipinamahaging binhi ng DA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Rufino Arcega, Sectoral Representative on Agriculture sinabi niya na nasa labing walong barangay na ang kanilang napuntahan para sa pamamahagi ng fertilizer voucher sa mga magsasaka.

Pabilisan na aniya ang pamamahagi dahil kailangan ng abono sa mga pananim na palay.

Nakabase naman sa lawak ng sakahan ng mga magsasaka ang kanilang matatanggap na voucher na P3400 bawat ektarya at hindi nakabase sa presyo ng abono.

--Ads--

Inihayag naman ni SP Member Arcega na hindi nakatanggap ng voucher ang mga magsasakang nasangkot sa pagbebenta ng binhi ng DA.

Mismong DA Regional Office aniya ang nagtanggal sa mga pangalan sa masterlist at temporary suspension lamang ito.

Binalaan naman niya ang mga magsasakang magtatangka na magbenta ng mga abonong mabibili ng voucher dahil mahigpit itong ipinagbabawal.

Sakaling nakapag-abono na ang ilang magsasaka sa kanilang pananim ay mas mabuting iimbak na lamang ito para may magamit sa susunod na cropping season.

Sa ngayon ay mismong mga negosyante na ang nagdedeliver ng mga abono sa mga barangay kasama ang LGU at DA gamit ang mga trailer trucks.