Inihayag ng Isabela Anti-Crime Task Force na malaking tulong kung magiging katuwang nila ang mga magulang para imonitor ang kanilang mga anak.
Ito ay dahil sa ilang mga krimen ang naitatala na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Ayon kay IACTF chairman Ysmael Atienza Sr. na malaki na ang ipinagbago ng mga kabataan ngayon.
Aniya, mas prone ang mga bata ngayon sa mga krimen dahil sa social media.
Ito rin ang nakikita nilang dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nasasangkot sa kriminalidad.
Dahil sa social media ay walang hirap na nagkakaroon ng access ang mga kabataan sa internet kung saan iba’t ibang tao ang kanilang nakakausap.
Ayon pa kay Ginoong Atienza na dito papasok ang monitoring o superbisyon ng magulang sa kanilang mga anak.
Sa tulong ng mga magulang ay maiiwasang mapariwara ang mga bata kung sa mismong tahanan pa lamang ay nababantayan na sila ng mabuti.
Plano rin ang IACTF na magtalaga ng mga tauhan sa mga eskwelahan para mabawasan ang krimen.