--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalilikas na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang mga residente na naka tira malapit sa irigasyon, sapa, Pinacanauan, Abuan at Cagayan Rivera dahil sa inaasahang pagbaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Ret. General Jimmy Rivera sinabi niya na pinayuhan na nila ang mga lokal na opisyal na magsagawa na ng Preemptive evacuation sa mga barangay na madalas na bahain.

Aniya 9 na barangay mula sa 5 mga bayan sa lalawigan ang nauna nang nagsagawa ng Pre-emptive Evacuation na kinabibilangan ng Luna, Cabataun, San Isidro Isabela at San Mateo Isabela.

11 pamilya o katumbas ng 29 na indibidwal ang inilikas mula sa Gaddanan San Mateo Isabela, 23 pamilya o katumbas naman ng 92 indibidwal ang inilikas sa Salinungan East San Mateo Isabela.

--Ads--

Nasa 67 pamilya naman ang inilikas sa Quezon San Isdiro Isabela, 2 pamilya sa Gomez ,5 sa barangay Rizal East,102 o katumbas ng 308 indibidwal ang inilikas naman sa barangay Namnama Cabatuan, 10 pamilya o katumbas ng 27 indibidwal ang inilikas sa barangay Tandul, apat o katumbas ng labinlimang indibiduwal ang pinalikas sa barangay Canan habang dalawampu’t siyam na pamilya na katumbas ng apatnapu’t pitong indibiduwal ang inilikas sa barangay Harana sa Luna Isabela.

Ayon pa kay PDRRM officer Rivera nakapag pre-deploy na rin sila ng  Water Search and Rescue Teams o WASAR teams sa mga floodprone areas sa Lalawigan partikular sa mga bayan ng Sto. Tomas, Sta Maria, Tumauini at Cabagan.

Una na ring nagsagawa ng General Assemply ang PDRRMO katuwang ang Kagawaran ng Kalusugan at tinalakay naman ang mga protocol na ipapatupad sa loob ng mga evacuation center dahil pa rin sa banta ng COVID 19.

Aniya sa pinakabagong direktiba ng DOH, nagtalaga ng tatlong ahensiya ang Pamahalaan na mangangasiwa ng mga evacuation center kabilang ang MSWDO o CSWDO,NGO’s at hanay ng pulisya.

Bahagi ng pahayag ni PDRRM Officer Ret. Gen. Jimmy Rivera.