CAUAYAN CITY – Itatampok ang isang Fluvial parade para sa lahat ng mga delegado sa pagbubukas ng Paris Olympics sa susunod na Linggo.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Dick Villanueva na ang mga delegado ay sasakay ng Gallon isang sinaunang barko o bangka para sa Parade of Athletes sa Seine River.
Kasabay ng paghahanda sa papalapit na Paris Olympics ay ang mas pinaigting naman ang seguridad sa lugar kung saan gaganapin ang Opening Ceremony ng Paris Olympics.
Samantala, maraming mga Pilipino na nagtatrabaho sa Paris ang nagkaproblema nang ipatupad ang paggamit ng QR code sa paggamit ng Public Transport papasok ng trabaho na daan sa venue ng mga Sporting Events.
Aniya agad na ipinatupad ang paggamit ng QR Code kaya naman maraming mga Pilipino maging turista ang hindi alam ang naturang panuntunan.
Pahirapan na rin ang public transportation dahil may ilang train lines na ang hindi operational habang hindi na rin pinaayagang gamitin ng mga cyclist ang bike lanes sa perimeter ng bawat venue.
Kalbaryo din ngayon ang tumaaas na ng halos 50% na pamasahe mula sa dating 2.15 Euro ngayon at pumalo na sa 4-euros.
Mahigpit na rin ngayon ang mga alituntunin para sa Media na mag-cocover ng Paris Olympics kahit pa may badge at accreditation habang maraming mga Pinoy ang nagvolunteer partikular ang isang asosasyon ng mga Pilipino.