Nakiisa ang ilang deboto sa taunang prusisyon sa Our Lady of the Pillar Parish Church bilang pakikiisa sa kapistahan ng itim na Nazareno.
Ito ay dinaluhan ng ilang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang mga barangay sa Lungsod ng Cauayan upang ipahayag ang kanilang pananampalataya at panata.
Ibinahagi ng 75-anyos na debotong si Luis Cabigao sa Bombo Radyo Cauayan, na kasama niya ang kaniyang asawa sa pagdalo sa prusisyon.
Aniya, tatlong taon na silang deboto at patuloy nilang ipinapanalangin ang mahabang buhay at mabuting kalusugan sa kabila ng kanilang edad.
Samantala, mayroon namang ilang mga deboto ang hindi na nakasama sa aktuwal na parada tulad na lamang ni Ginoong Luis dahil sa karamdaman.
Hirap na kasi aniya siyang maglakad dulot ng pamamanhid at pananakit ng katawan.
Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad na unahin ang kaligtasan lalo na ang mga matatanda at may iniindang sakit.
Ang taunang prusisyon, ay nananatiling mahalagang bahagi ng tradisyong panrehiyon sa lugar at patuloy na dinarayo ng mga debotong na humihiling ng kanilang biyaya, kagalingan at mahabang buhay.











