--Ads--
CAUAYAN CITY, Isabela- Malaki ang epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Maconacon, Isabela dahil sa pangingisda ng mga fishing vessel mula sa lalawigan ng Quezon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Rolly Quebral ng Maconacon, kanyang sinabi na maraming reklamo ng mga mangingisda ang natanggap ng Local Government Unit ng Maconacon dahil kakaunti na lamang ang kanilang nahuhuling isda.
Isa pang nakakabahala anya ay maging ang mga maliliit na isda ay hinuhuli na rin at ibinibenta.
Ang nasabing suliranin ay ipinahatid na ng pamahalaang lokal ng Maconacon sa tanggapan ni Governor Faustino Dy III at Bureau of Fisheries Aquatic Resources ( BFAR) region 2.
--Ads--




