--Ads--

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga manlalaro ng Cauayan North Central School para sa 2025 CAVRAA na gaganapin sa Santiago, City

Target ng mens basketball team sa elementary division ng paaralan na makuha ang gold medal ngayong taon

Matatandaan na noong nakaraang CAVRAA ay nasungkit ng nabanggit na eskwelahan ang silver medal sa mens basketball elementary division

Kung kaya mas puspusan ngayon ang kanilang training dahil sa planong higitan ang naging performance nila noong nakaraang taon

--Ads--

Ayon kay School Principal Ronnie Rumbaoa, malaki aniya ang tiwala niya sa mga player ng kanilang paaralan

Bukod kasi sa tuloy tuloy na ensayo ay talagang nakatutok din ang coach ng mga ito kung papaano mas mapapabuti ang laro ng mga bata

Natutuwa rin ang principal dahil abg kanilang mga mag aaral ang magrerepresenta sa SDO Cauayan para sa nasabing event

Nakatakdang magbukas ang CAVRAA 2025 sa buwan ng abril na lalahukan ng mga manlalaro mula elementary hanggang Senior High School na buong Rehiyon Dos