--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinanay ang mga manlalaro ng Nueva Vizcaya na maglaro sa sikat ng araw bilang paghahanda sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Eric Cabreros, trainer ng basketball team ng koponan ng Nueva Vizcaya na bukod sa paghahanda sa mga laro ay pinaghandaan din nila ang klima na mainit sa lunsod ng Ilagan.

Aniya, noong nagsasanay sila sa Nueva Vizcaya ay sinanay din nila na maglaro sa outdoor ang kanilang mga atleta dahil hindi rin naman nagkakalayo ang klima ng lunsod ng Ilagan sa kanilang lalawigan.

Pagdating din nila sa lunsod ng Ilagan ay ibinibilad pa rin nila sa araw ang kanilang mga atleta para makapag-adjust ang kanilang katawan.

--Ads--

Ayon kay Cabreros, ngayong taon ay nasa tatlong daan ang kanilang delegado at ilalaban pa rin nila ang basketball dahil defending champion sila at ang mga nanalo sa national games na kanilang mga atleta.

Hangad aniya nila ngayong taon ang championships.

Tinig ni Eric Cabreros, trainer ng basketball team ng koponan ng Nueva Vizcaya.