--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasabat ng mga sundalo ang matataas na kalibre na baril kabilang ang isang M16 at nakubkob ang pansamantalang kampo ng mga Communist-NPA-Terrorist sa sampong minutong engkwentro, alas dose singkwenta ng madaling araw, Sabado Gloria sa Brgy Disulap, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagsasagawa ang puwersa ng 502nd Infantry Brigade at ang 95 Infantry Battalion ng maigting na pagpapatrolya dahil sa nakalap nilang impormasyon sa sibilyan na may mga grupo ng rebelde ang nangingikil sa mga kumakandidato sa Brgy Disulap, San Mariano, Isabela.

Dahil dito nagkaroon ng sampong minutong sagupaan.

May namataan dinng casualties ang mga kalaban na nakitang binubuhat ng kanilang mga kasamahan habang sila ay tumatakas papunta sa kabundukan ng San Mariano.

--Ads--

Wala namang nai-ulat na casualty sa mga sundalo sa naganap na engkuwentro.

Pinuri ni Major General Pablo M Lorenzo, Commander ng 5th Infantry Division, ang 502nd Infantry Brigade at ang 95th Infantry Battalion dahil sa patuloy na pagtugis nila sa mga rebelde at para magkaroon ng mapayapang halalan sa San Mariano, Isabela.

Ang pamunuan naman ng 5th ID, ay nagpapasalamat hindi lamang sa mga ibat ibang ahensya, kundi pati narin sa mga sibilyan na tumutulong sa kompanya kontra terorismo upang makamtan ang tunay na kapayapaan.