--Ads--

CAUAYAN CITY- Kakaunting bilang pa lamang ng mga senior citizens ang nakakatanggap ng kanilang social pensions.

Ito ang kinumpirma ni Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA head Edgardo Atienza Sr.

Ang tanging pag-asa na lamang aniya nila ngayon ay ang pagsasabatas ng House bill 10433 o universal pension to all senior citizens.

Sa ilalim nito ay mabibigyan ang lahat ng mga senior citizens ng social pension.

--Ads--

Inaamiyemdahan niton ang RA 7432 kung saan hindi lamang mga indigent seniors ang pagkakalooban ng pansion kundi lahat.

Sa kasalukuyan ang kabuuang bilang ng mga senior citizen sa Lunsod ay 16,028 at 5400 lamang ang nakaktanggap ng social pension.