--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang pagbuhos ang tulong mula sa iba’t ibang lalawigan,ahensiya ng pamahalaan at pribadong sector sa Itbayat, Batanes matapos ang pagyanig ng dalawang malakas na lindol limang araw na ang nakakaran.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes na bagamat limang araw na ang lumipas ay patuloy pa rin silang nakakaramdam ng mga afterschocks.

Dahil dito ay marami pa ring mga mamamayan sa Itbayat ang nangangamba na bagamat pinapayagan ang mga residente na makabalik sa kanilang mga bahay upang kumuha ng kanilang mga gamit ay agad din silang pinababalik sa plaza.

Hindi na ring hindi pinapayagan ang mamamayan na magtungo pa sa mga bahay na delikado na para puntahan.

--Ads--

Marami na rin ang takot na bumalik sa kanilang kabuhayan partikular sa pagsasaka at pangingisda ngunit sa kabila nito ay tiniyak ni G. Esdicul na gagawin nila ang lahat ng pamamaraan upang makapagpatayo ng pansamantalang tirahan sa mga apektadong mamamayan.

Ngayong araw ay namahagi ng mga materyales sa paggawa ng bahay tulad ngt mga kahoy at yero sa mga residenteng nawalan ng tahanan upang makapagpatayo ng pansamantalang masisilungan pagdating ng Habagat.

Tinig ni PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes

Maliban sa mga materyales ay gumagawa na rin ng mga alternatibong pangkabvuhayan ang PDRRMO at lokal na pamahalaan ng Batanes upang mabigyan ng pansamantalang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng hanapbuhay.