--Ads--

CAUAYAN CITY – Natutuwa ang pamunuan ng Santiago City Police Office (SCPO) na wala silang police personnel na nagpositibo sa isinagawang random drug test ng PNP Crime Laboratory.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Lovelyn Ganeron, acting chief ng PNP Crime Laboratory Office, sinabi niya na nagsagawa sila ng random drug test bilang bahagi ng PNP internal cleansing.

Sa pamamagitan aniya ng random drug test ay malalaman kung may mga pulis na gumagamit ng illegal na droga.

Ayon kay PMaj Ganeron, negatibo ang resulta ng drug test sa lahat ng mga pulis ng SCPO.

--Ads--

Kasama sa drug test ang mga drug enforcement personnel at mga miyembro ng PNP Highway Patrol Group.

Ang tinig ni PMaj Lovelyn Ganeron