--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan ng mga construction worker ang mga explosive device sa likurang bahagi ng Santiago City Police Office.

Kasalukuyang naghuhukay ang mga construction workers nang matagpuan ang isang 82mm mortar at pitong pirasong claymore mine.

Sa Panayam ng Bombo Radyo Cauayan Inihayag ni P/Sr. Supt. Percival Rumbaua, City Director ng Santiago City Police Office, na habang naghuhukay ang mga construction worker ay napansin nila ang mga nabanggit na bomba.

Sinabi pa ni Sr. Supt. Rumbaua sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na matapos makita ang isang 82mm mortar at pitong pirasong claymore mine ay kinunsulta nila ang Explosive Ordnance Disposal ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakahimpil sa Gamu, Isabela.

--Ads--

Sa kasalukuyan ang mga bomba ay nasa pangangalaga na ng pamunuan 5th ID.