--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa nang ordinansa sa lunsod ang pagpapataw ng parusa sa mga motoristang nagmamaneho ng mga sasakyang gumagamit ng hindi otorisadong ilaw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liga ng mga Barangay Federation President Victor Dy Jr. sinabi niya na sakop ng naturang ordinansa ang lahat ng uri ng pribado at pampublikong sasakyan.

Naging kapansin-pansin anya  nitong mga nakaraang buwan ang mga sasakyan na bumabagtas sa lansangan na gumagalit ng malalakas na LED lights  at iba’t ibang kulay ng ilaw na madalas nagsasanhi ng aksidente.

Nilinaw naman niya na bagamat dati nang nakasaad sa batas ang mga ipinagbabawal na Auxillary lights ay layunin ng ordinansa na matiyak na maipapatupad ito sa Lunsod ng Cauayan para sa kaligtasan ng mga motorista.

--Ads--

Sa ngayon ay pinag-aaralan ang pagbuo ng taskforce na maaaring buoin ng mga kawani ng POSD at PNP.

Puntirya  ni  LMB Federation President Dy na magsagawa ng information drive sa mga motorcycle parts shop sa Cauayan City sa nilalaman ng ordinansa upang  malaman nilang ipinagbabawal ang pagkakabit ng mga LED lights na hindi naaayon sa standards.

Sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng limang libong pisong multa.