--Ads--

CAUAYAN CITY- Dismayado ang ilang nga motorista sa Lungsod ng Cauayan dahil sa mababang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis, 10 centavos ang bawas sa kada litro ng gasolina at 20 centavos naman sa kada litro ng Diesel na epektibo simula ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joevar Gumaru, tricycle driver, sinabi niya na wala nang natutuwa sa kanilang mga driver kung 10 centavos lang ang ibinababa ng mga produktong petrolyo.

Mas lalo pa aniya silang nababahala dahil kung may konting rollback sigurado aniyang magkakaroon naman ng matinding price hike sa susunod na linggo.

--Ads--

Aniya, tila naloloko lamang ang mga motorista sa bawat sentimong tapyas kung higit sa piso naman muli ang itataas ng presyo sa susunod na fuel update.