--Ads--

CAUAYAN CITY– Pinagkalooban ng relief goods ang mga mamamayang naapektuhan isang linggong ng pagbuhos ng ulan sa Isabela.

Ang mga mamamayang napagkalooban ng relief goods ay mula sa barangay Bagumbayan, Cabisera nuebe at Cabisera one sa lunsod ng Ilagan; Ragan Norte, Delfin Albano; San Rafael Abajo, San Tomas; Pilig Alto, Cabagan; Moldero Tumauini, at Sta. Maria, Isabela.

Ito ay matapos lumikas ang maraming mamamayan ng lunsod ng Ilagan at nagtungo sa mga evacuation center.

Hindi man umano lahat ng mga nasa hilagang bahagi ng lalawigan ng Isabela ay nabaha, marapat pa rin umano na sila ay tulungan.

--Ads--

Pinangunahan ni Acting Governor Antonio “Tonypet” Albano ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga mamamayang naapektuhan ng pagbaha.

Tumayo bilang pansamantalang gobernador si Vice-Governor Tonypet Albano dahil si Punong-lalawigan Bogie Dy kasama ang ilang opisyal ng Isabela ay mayroong business trip sa labas ng bansa.