--Ads--

CAUAYAN CITY- Dagsaan na ang reservation sa ilang mga flower shops sa Lungsod ng Cauayan isang araw bago ang pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Magie Acido, isang florist, sinabi niya na bagama’t marami na ngayon nag bumubili at nagpapa-reserved ay inaasahan pa rin nila na mas marami bibili bukas ng bulaklak bukas dahil iyon ang mismong araw ng Mother’s Day celebration.

Sa ngayon ay aabot na aniya sa 20 ang mga walk-in reservations at hindi pa kabilang dito ang mga natanggap nilang online reservations.

Hindi na aniya sila nagtaas ng presyo ng mga bulaklak dahil wala namang pagbabago sa orihinal na presyo nito mula sa kanilang mga supplier.

--Ads--

Ang presyo ng mga bulaklak na kanilang ibinebenta ay nagkakahalag ng 150 pesos pataas depende sa klase ng bulaklak.

Pwede rin aniyang magpa-customized ang mga customer upang tiyak na magugustuhan nila ang mga disenyo na naayon sa kanilang budget.

Aniya, pinaka-mabenta aniya ang mga imported na roses dahil bukod sa maganda ito ay mas matibay pa kaya siguradong nagtatagal.

Maliban sa mga bulaklak ay mayroon din silang tinda na mga Teddy Bears at Chocolate na siyang kukumpleto sa pagdiriwang ng Mother’s Day.