CAUAYAN CITY– Nabawasan ang mga nagaganap na pagsusugal sa mga barangay dahil sa panghuhuli ng mga kasapi ng San Mateo Police Station.
Mayroon na ring dinakip at nasampahan ng kaso dahil sa pagsusugal habang ang ilan ay pinagmulta ng isang libong piso.
Ang lahat ng mga nahuhuling nagsusugal ay ipinapatawag sa himpilan ng pulisya.
Ang mga sumipot at nagpakita sa PNP San Mateo ay pinagmulta habang ang ilang hindi nagpakita ay tuluyang nasampahan ng kaso.
Aabot sa labing dalawang libong piso ang piyansa ng sinumang nasampahan ng kaso dahil sa pagsusugal para sa kanilang pansamantalang kalayaaan.
Magugunitang noong mga nakaraang araw, kahit mayroong ordinansa ang barangay na nagbabawal ng pagsusugal ay mayroon pa ring nakikitang nagsusugal.
Ngunit ngayon na nanghuhuli na ang mga pulis ay natakot na ang ilang mamamayan na lantarang noon na nagsusugal.




