--Ads--
SA LUNSOD NG ILAGAN – Isasagawa ang job fair sa Sabado sa Ilagan City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mammangi Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Employment Service Officer Paulo Sanidad, sinabi niya na may nakalaang trabahong maaaring aplayan ng mga nagtapos ng K to 12.
Inaasahan ang 30 lokal at overseas recruitment agency sa job fair.
Umaasa ang pamahalaang lunsod ng Ilagan na 35 percent ng mga aplikante ang mabibigyan agad ng trabaho.
--Ads--
Bagamat bukas sa lahat ang Job Fair ay prayoridad ang mga mamamayan ng Ilagan City.
Binigyang diin pa ni PESO Officer Sanidad na sa limang kumpaniyang nag-commit na dadalo sa job air ay probationary period ang ipinaiiral.




