CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang mga kinauukulan kaugnay sa mga dapat gawin ng mga nais magtayo ng gusali, negosyo o bahay dito sa Lunsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edward Lorenzo sinabi niya na nararapat lamang na sundin ng mga nagpapatayo ng bahay at establisimIento sa Lunsod ang mga nakasaad sa building code.
Sa ngayon anya ay madali na lamang ang pag proproseso para sa pagkuha ng building permit at natatagalan na lamang kung may mga kulang o hindi kumpleto ang dokumentong dinadala ng mga aplikante.
Tumatalima na rin aniya sila sa Anti-red tape law kung saan hindi na tatagal pa ng higit pitong araw ang proseso ng building permit para sa mga maliliit o simpleng istraktura.
Ngayong pagbubukas ng panibagong taon ay kailangan na mag renew ng business permit ang mga negosyante gayundin na kumukuha ng mga building permit ang mga negosynate na muling magbubukas ng negosyo.
Isa sa mga prayoridad nila sa pagbibigay ng building permit ay ang kaligtasan ng mga occupants o nakatira sa bahay o gusali partikular ang mga electical wirings, fire exits, at iba pa.
Nagbabala din siya sa mga naglipanang mga private foreman o electrician na kahit hindi lisensyado ay nagbibigay ng murang serbisyo para sa mga nagtatayo o nais magtayo ng bahay.
Ito ay bilang bahagi ng mandato nila na tiyakin ang kaligtasan ng bawat residente at ipatupad ang mga nakasaad sa building code.
Idinagdag pa niya na ang mga nagpatayo na ng bahay o gusali na walang abiso sa kanilang tanggapan ay may kaukulang multa.