--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang bumaba ang mga naitalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa  Isabela ngayong araw.

Ito ay matapos maitala  ang 139 na kaso kumpara sa 186 kahapon.

Nadagdagan ng 46 ang mga aktibong kaso kaya pumalo na sa 1,714.

Ang kabuuang confirmed cases sa Isabela ay umakyat na sa 8,916 habang umakyat na sa 189 ang nasawi.

--Ads--

Sa mga naitalang kaso ngayong araw, April 10, 2021 ay nangunguna ang City of Ilagan na may 41 na sinundan ng Santiago City na may 19 habang ang Tumauini ay 10 at tigwawalo ang Quezon, Echague at Aurora.

Sa naturang bilang ay pito ang Locally Stranded Individual (LSI), 166 ang mga health workers, 43 ang mula sa hanay ng pulisya, at isang 1,498 walo ang  local transmission.