CAUAYAN CITY- Ang naranasang pagkatalo sa pagsabak sa ilang kompetisyon ang naging tulay ni Top Model of the World Miss Hannah Khayle Ildefonso Iglesia upang hindi sumuko at ipagpatuloy ang kanyang parangap na maging beauty queen.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Miss Iglesia,14 anyos pa lamang siya nang magsimula sa pagmomodelo at ito ang humubog sa kanyang personalidad upang maabot ang kanyang pangarap.
Sa katunayan aniya, hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang pagkapanalo sa katatapos na Mutya ng Pilipinas 2017 dahil sa pag-aakala niya ay walang siyang pag-asang manalo.
Kagabi pa lamang umano ay nakahanda na ang kanyang bag upang umuwi sakaling hindi palarin sa naturang beauty pageant.
Si Miss Iglesia ang kakatawan sa Pilipinas sa Top Model of the World sa Grenada sa Pebrero, 2018.
Sa ngayon ay sisimulan niya nang sumailalim sa maraming pagsasanay bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa naturang kompetisyon.
Hindi pa matiyak ni Miss Iglesia kung kailan siya makakauwi rito sa lalawigan bunsod na rin sa mga abalang iskedyul matapos ang kanyang pagkapanalo.




