CAUAYAN CITY- Nakatanggap na ng limang libong piso na tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Lunsod ng Cauayan ang mga stall owners na nasunugan noong araw ng linggo sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa nging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mike Gavanes, ngayon ay unti- unti silang bumabangon mula sa trahedya.
Nakapag desisyon siya na magtayo ng pansamantalang tindahan mula sa natupok niyang pwesto at doon muna pansamantalang magtitinda.
Maliban sa limang libong piso na tulong pinansiyal ng LGU Cauayan ay nakatanggap na rin ang mga apektadong stall owner ng sampung libong pison na assistance mula sa DSWD habang may karagdagan pang tulong na matatanggap mula sa tanggapan ni Congressman Inno Dy, Vice Governor Bojie Dy at Senator Imee Marcos.