CAUAYAN CITY – Ngayon ang huling araw ng pagdiriwang ng 163rd founding anniversary ng Isabela tampok ang iba’t ibang aktibidad.
Kabilang dito ang paggawad ng parangal mamayang gabi sa mga napiling natatanging Isabelenio 2019 at ang grand coronation night ng Search for Queen Isabela 2019 sa F.L. Dy Coliseum sa Cauayan City.
Ang mga pararangalan mamayang gabi sa sector ng Edukasyon ay si Ginoong Adriano Sabado ng Ramon, Isabela.
Sa sector ng pamilya ay ang pamilya ni Dating DILG Regional Director Dr. Rolando Rafael ng Quirino, Isabela.
Sa sector ng Law Enforcement o tagapagpatupad ng batas ay si PMaj Eugenio Mallillin ng Lunsod ng Cauayan.
Sa sector ng science and technology ay si Ginoong Dante Aquino ng Echague, Isabela
sa Kultura at Sining ay si Ginoong Rexie Delos Reyes ng San Manuel, Isabela.
Ang Natatanging Isabelenio ay si dating Lt. Col. Edwin Paredes ng 5th Infantry Division Philippine Army at residente ng Magsaysay, Nagulian, Isabela.
Matapos ang paggawad ng parangal sa kanila ay susunod and grand coronation night ng Search for Queen Isabela 2019.
Mula sa 37 apat na bayan at lunsod ay 20 lamang ang may kandidata.