CAUAYAN CITY- Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang labing limang mangingisdang lulan ng lumubog na Fishing Boat na naglayag mula sa Dinahican, Infanta, Quezon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Jessa Pauline Villegas, information officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na nagsasagawa na ng Arial Survey ang Southern Tagalog Coast Guard District katuwang ang Office of the Civil Defense.
Nagsasagawa rin aniya ang kanilang hanay ng seaboard patrol ngunit limitado lamang ang kakayahan ng water assets ng kanilang hanay dahil nasa 12-nautical miles lamang ang kaya nitong marating.
Nag-request na rin ang Coast Guard District Southern Tagalog ng Vessel para magsawagawa ng Maritime Patrol mula lalawigan ng Quezon hanggang Philippine Rise.
Nanawagan naman siya publiko pangunahin na ang mga nasa coastal communities na agad lamang ipag-bigay alam sa pinaka malapit na coast guward stations kung sakaling may namataang mga nawawalang mangingisda sa laot.
Matatandaan na noong ika-10 ng Setyembre ay natagpuan ang lumubog na bangkang pangisda ngunit hindi natagpuan ang mga lulan nito.