--Ads--

CAUAYAN CITY – Tanging pagbibigay lamang ng mga leaflets ang namomonitor ng pulisya na ginagawa ng mga rebeldeng New People’s Army ( NPA ) sa bayan ng Maddela, Quirino

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Ricardo Salada, hepe ng Maddela Police Station na tanging ang pagbibigay ng mga leaflets na naglalaman ng kanilang black propaganda ang kanilang namomonitor sa ngayon.

Laman ng mga leaflets ang mga umanoy magagandang adhikain ng mga rebelde gayundin ang pagbatikos sa pamahalaan pangunahin na ang pagdeklara ng Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala pa namang namomonitor ang pulisya na isinasagawang pagrerecruit ng mga NPA upang sumapi sa kanilang hanay.

--Ads--

Anya, sa malalayong barangay ng Maddela ay may namomonitor na sightings ng mga rebelde na kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Kaugnay nito tiniyak ng hepe na walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan dahil handa ang pulisya na bigyan sila ng seguridad.