--Ads--

CAUAYAN CITY- Hanggang tatlong buwan puwedeng mag-apply ang isang active at inactive na overseas filipino worker (OFW) na naapektuhan ng bagyong ompong sa region 2 para makakuha ng calamity assistance sa OWWA region 2

Nasa ikaapat na araw na ngayon ang mga panlalawigang tanggapan ng DOLE sa pagtanggap ng aplikasyon at sa nakaraang tatlong araw ay umabot na sa 800 ang natanggap nilang aplikasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Filipina Dino ng OWWA Region 2 na ang active member ay makakatanggap ng Php3,000.00 habang ang mga inactive o nasa bansa na na OFW ay Php1,500.00 ang cash assitance.

Ang mga aplikasyon na naisailalim na sa evaluation ay padadalhan ng text message ang OFW o kanyang benepisaryo para bumalik at kunin na ang kanyang ayuda.

--Ads--

Sinabi ni regional director Dino na balak nilang makipag-ugnayan sa mga public employment service office o PESO sa mga bayan para ang mga ito ang magbigay ng calamity assistance kung ito ay naaaprubahan na.

Nilinaw niya na sa mga panlalawigang tanggapan ng DOLE ang paghahain ng aplikasyon.

Kung nasa bansa ang OFW ay kailangang siya ang kumuha ng assistance dahil valid ID lang ang kailangan habang kung ang OFW ay nasa ibang bansa, kailangan ang kanyang pirma na puwedeng ipadala sa pamamagitan ng messenger at kailangan ng marriage contract kung asawa niya ang naghain ng aplikasyon at kukuha sa ayuda.