--Ads--

CAUAYAN CITY– Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga gusto umuwi sa bansa na mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Lebanon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may mga OFW na mahirap ang sitwasyon sa Lebanon ngunit nais pa ring manatili roon dahil hindi sila tiyak na magkakaroon sila ng trabaho sa bansa.

Sa Lebanon aniya ay marami nang OFW na gustong umuwi dahil hindi sila maka-withdraw ng higit sa 500 dollars.

May labor attache ang DOLE sa Lebanon kaya natutukan ang kalagayan ng mga OFWs doon at regular ang kanilang pagbibigay ng report sa tanggapan ni Sec. Bello

--Ads--

Tinatayang mayroon pang labinlimang libong OFW sa Lebanon.

Ayon kay Atty. Bello, doumented o undocumented OFW ay tutulungan ng DOLE ngunit prayoridad ang mga documented dahil sila ang nagreremit ng dolyar sa bansa.

Gayunman, tiniyak niya na tutulungan din ang mga walang dokumento

Kapag uuwi ang mga distressed OFW ay may kaunting ayuda ang DOLE kung nais nila magnegosyo tulad ng pagkakaroon ng sari-sari store at bigasan.

May cash assistance din na 20,000 at umaabot pa sa 30,000 para pangnegosyo nila.

Kung regular na OWWA member ay may scholarship privilege para sa kailang mga anak.

Sinabi ni Kalihim Bello na kung gusto nilang umuwi ay tutulungan sila. Kung wala silang pasahe ay puwedeng sagutin ng DOLE kung hindi sasagutin ng kanilang employer.

Lalapit lamang aniya ang mga OFW sa Lebanon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na madalas matatagpuan sa Philippine Embassy o malapit sa embahada.

Bahagi ng pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III