Pinawi ng mga pilipino sa South Korea ang pangamba ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas matapos ang pagpapatupad ng Martial Law sa nasabing bansa.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Josephine Vergara, sa ilang oras na pagkasailalim sa martial law ng South Korea ay hindi nila halos naramdaman dahil agad din naman itong nabawi.
Mas natatakot pa umano ang mga residente lalo na sa mga katulad niyang malapit sa border ng North Korea sa maaring gawin ng nasabing bansa sa South Korea kaysa sa ipinatupad na martial law.
Tiniyak naman niya na walang epekto ang ipinatupad na martial law sa kanilang trabaho at kinaumagahan ay tuloy ang pasok ng mga mangagawa.
Ligtas pa rin aniya ang pagbyahe patungo sa South Korea at bukas ang mga pook pasyalan para sa mga turista.