--Ads--

Isang sulat ang ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kina Senadora Imee Marcos at Senate President Chiz Escudero upang pormal na ipaalam na hindi dadalo ang mga opisyal ng gabinete sa muling pagdinig ng Senado kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakda sanang gawin ang pagdinig bukas Huwebes, Abril 3.

Ayon kay Bersamin, nasagot na ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ang mga katanungan at naibigay na rin ang lahat ng impormasyong hiningi ng mga miyembro ng Senate Committee on Foreign Relations noong Marso 20.

Kinuwestiyon naman ni Sen. Imee Marcos kung kaninong utos ang dapat masunod.

--Ads--

Ipinaalala ng senadora ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya pagbabawalan ang mga opisyal ng pamahalaan na ­dumalo sa ikalawang pagdinig ng Senado ­kaugnay ng pagkaaresto kay Duterte.