--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahina na ang mga organisasyon ng National Democratic Front (NDF) sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni BGen. Danilo Benavides, commanding officer ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army na kaya hindi na gaanong nakikita ang mga organisasyon ng NDF sa Isabela gaya ng DAGAMI at TIMIK ay dahil umalis na ang kanilang mga miyembro.

Ito ay matapos nilang mailabas ang tunay na layunin ng naturang mga organisasyon.

Ayon sa kanya, ang mga organisasyong ito ang laging nangunguna sa mga protesta sa Lunsod ng Ilagan, Cauayan at Santiago maging sa mga kalapit na lugar.

--Ads--

Sinabi ni BGen. Benavides na ang NDF ay may iba’t ibang layunin at hakbangin para suportahan ang armadong pakikibaka.

Mabuti naman aniya ang kanilang layunin ngunit ginagamit nila ito para magkaroon ng matinding galit ang mga tao sa pamahalaan.

Aniya, kailangang mamulat ang mga mamamayan sa tunay na hangarin ng mga grupong ito para sila ay hindi malinlang.

Umaasa naman sila na ito na ang huling anibersaryo ng National Democratic Front.

Ang pahayag ni BGen. Danilo Benavides