--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinara ang mga ospital at paaralan sa Haiti dahil sa kawalan pa rin ng supply ng gasolina at pakikialam ng mga gang na nais na walang mga aktibidad sa buong bansa hanggat walang umuupo na prime minister.

Sa wharf ng lalawigan sana idadaan ang mga fuel supply ngunit may mga grupo ng mga gang na kumikilos kayat nahadlangan ang biyahe ng fuel sa nasabing bansa

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti na noong November 3, 2021 itinakda ang muling pagbubukas ng mga paaralan ngunit hindi nangyari dahil may mga eskuwelahan na sinalakay ng mga gang.

Bukas ay muling tatangkain ng mga mamamayan na magbukas ng negosyo.

--Ads--

Sarado rin ang mga ospital dahil walang makapunta bunsod ng kawalan ng transportasyon dahil sa kawalan ng gasolina.

Bahagi ng pahayag ni Gng. Nene Sylvain