CAUAYAN CITY – Agad na nagsagawa ng closed door meeting ang mga opisyal ng Comelec, Jones Police Station at militar upang talakayin ang naganap na pagsunog ng mga armadong lalaki sa 2 Vote Counting machine at unread 200 ballots mula sa Dicamay Uno at Dicamay Dos, Jones, Isabela.
Patungo ang mga kasapi ng Electoral Board sa Municipal Hall ng Jones, Isabela para dalhin ang mga election paraphernalia nang mangyari ang pagharang ng mga suspek sa kanilang sasakyan sa barangay sa Sta. Isabel.
Ang Jones ay idineklara ng Comelec na election hotspot red category dahil sa mga election related incidents sa mga nagdaang halalan.
Unang sinabi ni PCol. Mariano Rodriguez, provincial director ng PNP Isabela na umabot sa 200 na pulis ang itinalaga sa nasabing bayan bukod pa sa mga sundalong nakabase roon.
Samantala, 96.23% pa lamang ng mga election returns sa Jones ang naproseso na at nangunguna si incumbent mayor Leticia Sebastian na may 12, 181 voteshabang ang kanyang katunggali na si Lanie Uy ay 8,666.
Naging mainit naman ang tunggalian ng dalawang kandidato sa pagka-bise mayor na sina Gaylord Gumpal na may 10, 812 votes habang ang katunggaling si Victor Dy, nakababatang kapatid ni incumbent governor Bojie Dy ay nakakuha ng 9, 027 votes.