CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang ilang paaralan sa lungsod para sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 16, matapos ang matagumpay na Brigada Eskwela.
Isa sa mga paaralang handa na ay ang Cauayan City Stand Alone Senior High School (CCSASHS), na may ilang pagbabago ngayong school year.
Ayon kay Dr. John Mina, School Principal, tiniyak nilang sapat ang bilang ng upuan at maayos ang bentilasyon sa mga silid-aralan.
Pininturahan din ang ilang gusali upang alisin ang dating mga karatula ng strand. Samantala, ang mga gusali ng Grade 12 ay hindi binago dahil nananatili sila sa dating curriculum, na may parehong bilang ng mga mag-aaral.
Sakaling tumaas ang bilang ng estudyante sa CCSASHS, handa silang gamitin ang laboratory room bilang pansamantalang silid-aralan.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng paaralan sa mga guro, estudyante, at magulang na nakiisa sa Brigada Eskwela.










