--Ads--

CAUAYAN CITY – Nararanasan ang mga pag-ulan sa lalawigan ng Batanes simula kagabi dahil sa epekto ng bagyong Henry.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PDRRM Officer Roldan Esdicul na kaninang madaling araw ay naranasan doon ang malakas na ulan ngunit walang hangin.

Nagpalabas aniya  ng kautusan si Governor Marilou Cayco ng Batanes para sa pagsuspindi ng  klase ng mga mag-aaral at pasok ng mga kawani ng pamahalaan maliban sa mga nasa disaster response offices .

Naglagay  na ang mga mamamayan ng tali sa kanilang mga bahay na gawa sa light materials, at mga window shelters.

--Ads--

May isang pamilya na kinabibilangan ng limang miyembro ang nagsagawa ng preemptive evacuation  para matiyak ang kanilang kaligtasan dahil gawa sa light materials ang kanilang bahay.

Sinabi pa ni Ginoong Esdicul  na patuloy ang kanilang pagmonitor sa mga nasasakupan nilang lugar kaugnay ng magiging epekto ng bagyong henry.

Hinimok nila ang mga magsasaka na anihin na ang mga tanim na puwede nang anihin para hindi masira. Gulay ang maraming tanim ng mga magsasaka sa Batanes.