--Ads--

Nararanasan ngayon ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Isabela, Aurora, Quirino, Abra at Ilocos Norte. Inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras at posibleng makaapekto rin sa mga karatig na lugar.

Sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras, maaaring maranasan din ang ganitong kondisyon sa natitirang bahagi ng Isabela at Aurora, gayundin sa Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Ang nasabing mga pag-ulan ay epekto ng trough ng Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (435 km East of Baler, Aurora).

Batay sa ulat ng PAGASA, tumaas ang tiyansa na ito ay maging bagyo (Tropical Depression) sa susunod na 24 oras.

--Ads--

Pinapayuhan ang publiko at mga opisina ng Disaster Risk Reduction and Management na patuloy na mag-monitor sa lagay ng panahon at abangan ang susunod na abiso na ilalabas ngayong alas-otso ng gabi.

Hinihikayat ang lahat na mag-ingat laban sa posibleng epekto ng malakas na ulan tulad ng pagbaha, landslide, mudslide, rockslide at flash flood, lalo na ang mga nakatira malapit sa kabundukan at mabababang lugar.