--Ads--

CAUAYAN CITY- Nananatili pa ring matindi at hindi masolusyonan na problema ng ilang Barangay sa lungsod ng Cauayan pangunahin na ang Barangay Marabulig 1, Cauayan City ay ang mga galang aso.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Kap. Jaime Partido, Punong Barangay ng Marabulig 1, sinabi niya na dati dati ay nakakahuli sila ng mga galang aso at dinadala sa kanilang dog impounding facility.

Ngayon kasi aniya ay mas lalo pang naging mabagsik ang mga aso kaya dumating sa punto na maging ang mga may-ari nito ay hindi na rin nila kayang huliin.

Aminado ang punong barangay na nagiging sanhi din ng aksidente ang mga aso at dumating sa punto na isang bata ang kinagat.

--Ads--

kaya ngayon naman ay hangad ng mga opisyal ng barangay na  magkaisa ang mga residente sa lugar na huliin ang mga aso upang hindi na maulit ang insidente.

Pakiusap din niya na maging responsableng pet owner ang lahat para walang perwisyo.

May pagkakataon naman aniya na kapag may naaaksidente dahil sa mga galang aso ay wala nang umaamin kung kaninong aso ito kaya hindi nila matukoy kung kaninong responsibilidad ang pagpapagamot sa mga naaksidente.

Samantala tuloy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa City Veterinary Office para maaksyonan na ang problema.