--Ads--

Naghahanda na ang mga tauhan ng mga lokal na pamahalaan at Parks Development Authority sa mga monumento ni Dr. Jose Rizal.

Ito ay bahagi ng paghahanda para sa 128th martyrdom ni Rizal sa Disyembre 30, 2024.

Sinamantala ng ilang trabahador ang pagsasa-ayos dahil maganda na ang panahon, matapos ang ilang araw na pagbuhos ng ulan.

Sa Luneta o Rizal Park sa Maynila, ginamitan ng pressurized water ang pagtanggal ng mga mantsa sa monumento, hanggang sa pathway nito.

--Ads--

Inaasahan kasi ang personal na pagpunta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing parke para sa wreath laying ceremony.

Maging sa Calamba, laguna kung saan ipinanganak si Dr. Rizal ay inayos na rin ang lugar.

Habang sa bayan ng Daet, Camarines Norte ay ginamas na ang mga damo at kinuskos na rin ang tinaguriang First Rizal Monument.

Pati sa Buhi, Camarines Sur ay todo linis na rin ang mga nagmamantine ng kanilang parke.

Maliban sa pag-aalay ng bulaklak, nakahanay din ang pagbubukas ng exhibit sa NHCP Central Office, T.M. Kalaw Avenue.

Habang may workshop din sa NHCP Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Intramuros, Manila.