Tinukoy ng Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), bilang “bahagi ng ingay ng demokrasya” ang mga pahayag ng ilang mambabatas hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay DFA Sec. Ma. Theresa Lazaro, hindi siya makikialam sa mga talakayan ng mga mambabatas at binigyang-diin na nananatiling nakatuon ang ahensya sa mga mahahalagang usapin ng patakarang panlabas.
Inilabas ni Lazaro ang naturang pahayag kasunod ng mga naging kontrobersiyal na komento kaugnay ng WPS, kabilang ang umano’y sinabi ni Rodante Marcoleta tungkol sa Kalayaan Island Group, na mariin naman niyang itinanggi at inilarawang maling interpretasyon.
Samantala, nanawagan si Erwin Tulfo ng isang “ceasefire” sa palitan ng maaanghang na pahayag sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at China. Iginiit din ng DFA na nararapat kumilos ang mga Chinese diplomat sa isang propesyonal na paraan sa kanilang mga pahayag hinggil sa WPS.











