--Ads--

CAUAYAN CITY– Matagumpay na nadiskubre at nasamsam ng mga kasapi ng 95th Infantry Salaknib Battalion ang isang Caliber 45 na may anim na bala, isang vertex standard radio at 15 Blasting Madrine para sa Improvised Explosive Device (IEDs) kasama na ang remote control nito.

Ang naturang baril, 6 na bala at mga pampasabog ay nakekober ng militar sa Barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela sa tulong ng isang dating Militia ng Bayan.

Patuloy ang panawagan ng mga kasapi ng 9th IB SA mga natitirang miyembro ng CPP-CPA-NDF na bumaba na at magbalik loob sa pamahalaan upang sila ay matulungan sa kanilang pamumuhay.

Bukas ang pintuan ng Salaknib Battalion para tulungan ang mga susukong rebelde na magbagong buhay sa pamamagitan ng mga ipagkakaloob na mga benepisyo ng pamahalaan para matamasa nila ang tunay na kapayapaan, katahimikan at kaunlaran.

--Ads--