--Ads--

CAUAYAN CITY – Dahil sa tindi ng sikat ng araw at may katagalan na ring hindi umulan ay nanganganib na masira ang maraming maisan sa Northern Isabela na nasa yugto na ng pamumulaklak o flowering Stage.

Ito ang naging obserbasyon ni G. Arnold Manzano ng Cabannungan second, Lunsod ng Ilagan makaraang mapansin na ang mga dahon ng mga pananim na mais ay nalulukot pagdating ng umaga dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Ayon kay G. Manzano, ang mga mais na nasa flowering stage ay napaka-delikado dahil kinakailangan ang sapat na tubig ulan upang makalabas ng husto ang bulaklak at magkaroon ng bunga.

Kapag hindi nadiligan o naulanan ang mga puno ng mais na namumulaklak ay magiging ampaw ang bunga nito.

--Ads--

Ang mga makina ang nagpapatubig ngayong kung ang tinamnan ng mais ay sa gilid ng ilog ngunit ang mga walang makina ay naghihintay na lamang ng tubig ulan.