--Ads--

CAUAYAN CITY- Inamin ng Cauayan City Agriculture Office na may ilang palayan sa lungsod ang naapektuhan ng mga peste at sakit ng palay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Agriculturist Constante Barroga na batay sa kanilang assesment ang mga pesteng daga at brown planthopper ang karaniwan sa mga naitatalang sumisira sa mga pananim na palay.

Bagamat may ganito silang naitatalang peste sa mga palay minimal lamang ang naapektuhan na anya’y kontrolado pa naman.

Mas kakaunti umano ang mga naitatalang peste sa palay at mais tuwing tag-init kumpara sa panahon ng tag-ulan

--Ads--

Payo ni City Agriculturist Barroga sa mga magsasaka na sakaling makakita ng sakit sa kanilang mga pananim na palay ay agad itong agapan sa pamamagitan ng pag-spray ng pamatay peste.