CAUAYAN CITY– Nakatanggap na ng bakuna ang mga senior citizen at with comorbidity na mga Person Deprived of Liberty sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Chief Inps. Bonifacio Guitering, District Jail Warden ng BJMP Cauayan City, na sa mahigit 200 na mga PDL ng BJMP Cauayan City 50 dito ang nabigyan na ng kanilang first dose na bakuna.
Noong araw ng Miyerkoles, isinagawa ang pagbabakuna sa mismong piitan at pawang senior citizen at with comorbidity na PDL ang limampung nabakunahan .
Para naman sa iba pang mga PDL ay irerequest for schedule din nila ang mga ito upang sila naman ang susunod na mabakunahan.
Umabot sa 16 na kawani umano ng Cauayan City Health Office ang pumasok sa loob ng BJMP Cauayan para mabakunahan ang limampong PDL at mabilisan ang kanilang isinagawang pagbabakuna.
Maayos naman aniya ang lagay ng mga nabakunahan gayundin sa iba pang mga PDL kaya at tiniyak ni J/Cinsp Guitering sa mga pamilya at kamag-anak ng mga PDL na nasa healthy conditions ang mga nabakunahan at mayroong nurse na araw araw na nag-momonitor sa kanila.
Samantala, mahigpit p rin naman umanong ipinagbabawal sa loob ang pagbisita sa mga PDL ng kanilang mga kamag-anak bilang pag-iingat sa COVID-19 ngunit pinapahayag naman ang videocall para makausap ng mga PDL ang kanilang pamilya.











