
CAUAYAN CITY – Nakompleto na ng mga Person Deprived of Liberty o PDLs ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan City ang kanilang 1st at 2nd dose ng covid 19 vaccine.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail officer 2 Karla Mae Calaunan, Community Relations Service Jail Non Officer, sinabi niya na lahat ng dalawang daan tatlompu’t siyam na PDLs ay naturukan na ng 1st dose at 2nd dose ng covid-19 vacvine habang isang daan siyamnapu’t isa naman ay nakapagpa-booster shot na.
Patuloy ang paghihikayat ng Cauayan City District Jail sa lahat ng mga PDLs na makiisa sa pagpapaturok ng booster shot upang matiyak na protektado sila sa COVID 19.
Sa ngayon ay napapanatili ng nasabing piitan ang kaayusan sa kanilang piitan dahil batay sa monitoring ng kanilang duty searcher ay sinusuri nilang mabuti ang mga items na ipinapadala ng mga kamag-anak ng mga PDLs.










