--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasamsam sa dalawang store ang mga pekeng sigarilyo at mga walang stamp sa Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC Regional Director Robertson Gazzingan ng BIR region 2 , sinabi niya na sa pagsasagawa nila ng nationwide tax campaign verification drive ay tinututukan nila ang mga nagbebenta ng sigarilyo na peke ang stamp at mga walang stamp.

Ang mga supplier ng mga ekeng sigarilyo at ang mga nagbebenta ay mahaharap sa kaukulang kaso.

Kahapon ay nagsimula ang kanilang isinagawang drive kung saan ay marami na silang nasamsam na mga ibinebentang sigarilyo na may mga pekeng stamp at walang stamp.

--Ads--

Samantala, naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Lita, store owner, sinabi niya na dalawang linggo na ang nakaraan nang may mga nagdeliver sa kanya at iniwan ang apat na ream ng sigarilyo saka sinabing babalikan na lamang nila ang kanyang bayad.

Makaraan ang ilang araw ay dumating naman ang regular na ahente niya ng sigarilyo at nakita niya ang mga iniwan ng mga naunang ahente na mga sigarilyong walang stamp kaya naman inabisuhan siya ng regular niyang ahente na huwag ng ibenta dahil mapapahamak siya.
Ngunit natuklasan ng BIR na ang mga nanggagaling na sigarilyo sa kaniyang regular na ahente ay peke rin ang inilagay na stamp kaya kinumpiska ang mga ito.

Nanghihinayang naman ang ginang ngunit wala siyang magagawa dahil hindi naman niya alam na peke pala ang mga stamp ng mga sigarilyong ibinabagsak sa kaniya.

Ang pahayag ni OIC Regional Director Robertson Gazzingan ng BIR region 2.